naranasan mo na ba?

09/30/2010 § Leave a comment

Naranasan mo na ba ang ma-plagiarize? Ano nga ba ang plagiarism? 


Well, ayon sa Wiki:

Plagiarism is defined in dictionaries as “the wrongful appropriation, close imitation, or purloining and publication, of another author’s language, thoughts, ideas, or expressions, and the representation of them as one’s own original work.”

Sa totoo lang, nagkaron ako ng somewhat same sa plagiarism. Pero not exactly chaka hindi naman ata intended. Pero kahit na.

Sa Facebook lahat nangyari. Kanina lang din.

Nag post kasi si Papa ng status niya.

“i need motivation. i need inspiration. i need appreciation. motivation to keep me going through. inspiration to do things without feeling blue. appreciation from someone like you.”

I believe original niya yan. Natuwa pa siya nung ni-like ko yung status niya. Shinare ko pa yan sa Tumblr. Tapos ginawa ko ring status. Tapos may credit sa dulo. Kaso after few minutes na pinost ko, nakita ko nalang dun sa update nung isang elementary classmate ko yung quote. Hanep. Binawasan lang niya ng isang line. I mean sentence tapos ni-like pa niya.

Syempre, naasar ako. Sobra. Unang una kasi, gawa yun ni Papa. And she used it without permission sakin(sakin kasi niya nakita). Alam mo yun, kahit na ako man lang yung kinredit niya. Kahit isang simpleng comment lang sa status ko na “uy, pahiram ah” or “pagamit ah” eh ayos na sakin. Kaso wala. Wala kahit isa. It pissed me off. Okay lang sakin kung kaekekan ko yung ginamit niya. No worries. Syempre, konting maaasar pero later on mawawala rin, akin lang naman yun. Pero kasi kay Papa yun. At proud ako dun. Kaso hindi man niya kinredit. 😦

Then ayun, I ended up commenting on her status. “ganda ng status mo ah HEHEHE san mo nakuha yan?” then she replied with “hahahaha :)) share?“. Hindi ko alam kung nakuha nya yung sarcasm pero yeah. Obviously, hindi.

If you’re thinking it’s not a big deal, well sakin, oo. That’s my father’s, so I’ll fight for it. Pero wala rin eh, hindi talaga maiiwasan sa panahong toh yung mga ganyan. Cyber lang naman toh. Diba?

But the bottom line is:

Never remove the credit. Ever. Lalong lalo na kung hindi sayo. Okay lang gawin mong inspiration, okay lang i-share mo sa iba. Just don’t remove the credits. Or better TRY TO BE ORIGINAL. 🙂

Advertisements

Where Am I?

You are currently browsing the family life. category at she blabs..