route 143.

11/20/2010 § Leave a comment

habang nasa byahe ako kanina, napansin ko yung mga road signs. tapos bigla ko nalang naisip na pwede rin pala icompare ang isang byahe sa paghahanap ng true love. (ang hanep ko lang, tumu-true love ang lola. HAHA!)

Bago ka bumyahe, syempre kailangan alam mo yung mga meaning ng road signs. hindi naman pwedeng sasabak ka sa ganyan ng wala ka alam diba. iisa-isahin ko…

  1. No Loading/Unloading Anytime
    hindi sa lahat oras pwede kang magsakay o magbaba kung kelan mo gusto. syempre meron ding tamang lugar at oras para dyan. hindi yan yung bira ka lang ng bira. patol ng patol sa kung sino sino lang at makikipag break lang kung kelan gustuhin. dapat nilalagay yun sa tamang lugar. dahil kung hindi, sige ka, mabibigyan ka lang ng ticket, minsan kelangan mo pa magbayad. 😉
  2. No Left/Right Turn Anytime
    hindi lahat ng daanan pwedeng likuan or kanan-an. pwede rin tong tawaging alternate route. nako, bawal yun. tatagal lang byahe mo dun. minsan baka maligaw ka pa. akala kasi natin minsan tama yung sumuko sa traffic, sa tagal ng byahe, at mag try muna ng iba. pero diba may kasabihang “pag may tiyaga, may nilaga.”?
    .
  3. No U Turn Anytime
    akala mo ba pwede ka lang bumalik sa pinanggalingan mo ng basta-basta? hindi. may tamang lugar din para dyan. pero kung hanap mo eh totoong pagmamahal, kung ako sayo, wag ka na maghanap ng U-turn slot. 😉
    .
  4. Slow Down
    eto na yung point na dahan-dahan muna. either dahil malapit ka na dulo ng byahe mo or! masyado ka na nagiging agressive  sa kalsada. wag masyado magmadali, baka habulin ka ng pulis. :p
    .
  5. No Parking
    wag ka magpapark kung saan saan kung ayaw mo kuhanin ng MMDA yung sasakyan mo. minsan kasi, hindi porket clear yung lugar, pwede ka na mag park. wag ka mag alala, may unlimited hours of parking naman sa pupuntahan mo. 😉
    .
  6. Slippery When Wet
    take caution. kunwari, nasa relationship ka, tandaan mo, kapag basa, madulas. HAHAHAHA!! ibig kong sabihin, kapag intense yung situation mas malaki yung possibility magkaron ng hindi inaasahang pangyayari. OKAY FINE. kayo na bahala mag bigay ng iba pang meaning. :)))
    .
  7. Falling Debris
    syempre sa byahe mo may mga madadaanan ka dyang ginagawang building, ingat ka baka mahulugan ka ng bato. sa buhay din kasi, meron at merong taong mag babato sayo ng kung ano-ano para ma-down ka. wag ka paapekto dun. kaya nga ingat diba. 🙂
    .
  8. last but not the least, THE Stop Light 
    madadaanan at madadaanan natin toh sa gusto’t sa hindi. kailangan alam mo rin yung ibig sabihin ng mga kulay. red to stop. yellow to get ready tapos green for go. kapag nagkamali ka ng stop over, laging may stop light para mag remind sayo na hindi pa tapos ang byahe mo. Red, stop and think. Yellow, prepare for the next trip. Green, para ituloy lang ang byahe. 

___

minsan mahaba man yung byahe, worth it naman pagdating sa dulo dahil finally, napuntahan mo na yung gusto mong puntahan. wag ka lang magmamadali at magpapadala sa traffic at init ng ulo. kung ayaw mo naman ma-late, aba! agahan mo alis. yun lang yun. 🙂

Advertisements

Tagged:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading route 143. at she blabs..

meta

%d bloggers like this: