hindi lahat PWEDE.

10/08/2010 § Leave a comment

pano mo ipapa-realize sa isang tao na hindi siya para dun sa taong yun?

next question please. bakit? kasi hindi mo pwedeng gawin yun. hindi mo pwede ipa-realize sakanya yun. kasi hindi mo naman talaga alam yung totoong storya. hindi mo alam yung pwede pang mangyari. hindi mo alam yung talagang nararamdaman niya lalo na nung taong mahal niya. so what kung binabalewala siya? so what kung hindi siya pinapahalagahan? buhay niya yun eh, yun yung gusto niya maramdaman, desisyon niya yun, ginusto niya yun. nasasaktan ka man para sa kanya, wala kang ibang choice kungdi ang suportahan siya, pakinggan siya at damayan siya sa tuwing malulungkot siya.

ang taong makakapagpa-realize lang nun sa kanya ay yung mismong sarili niya. wala nang iba. 

let go.

10/03/2010 § 1 Comment

How do you let go of someone you really love? Especially your first love. Mahirap ba? Hindi mo ba kaya? Yung tipong isang text o isang i love you lang niya babalik ka na ulit sakanya?



Well, it’s really hard. Sobrang daming beses na nangyari sakin yun. Urong sulong, ngayon kakalimutan ko na siya, bukas pag nagtext siya, isa pa ulit chance. Madaming beses ko narin sinabing “Last na! Promise!”, “Magpapaalam lang ako tapos wala na.”, “Ayoko na, pagod na pagod na ako…”, “Nahihirapan na ako”, “I don’t deserve you, kailangan ko na mag move on…” at marami pang iba. Nakailang ulit na ako, naka ilang try na ako pero lagi nalang unsuccessful. Minsan, mahirap din kasi mag move-on kapag yung taong gusto mo kalimutan eh patuloy ka pading kinokontak. Diba?


How do you do it?

Before, ako at first I’ll give it a try. I’ll try to be ok, I’ll try my best para hindi kami mag away, anything. Umeeffort talaga ako. Then kung wala talaga ako mafeel or wala talaga, magdedecide na ako. Last na yun. Then I’ll text him, sasabihin ko na lahat. The goodbyes, the thank yous, the sorrys, LAHAT. And then, two or three days after, wala rin. Kapag nagtext siya, nag sorry or what, basta contact-in lang niya ako, babalik nanaman ako sa first step ko. Fail diba?





Sa totoo lang, if you really want to forget/leave that person, you don’t really need to tell him everything. Kumbaga, hindi mo naman talaga kailangan maghabilin at mag paalam. Sa daming beses ka niyang nasaktan, dapat by now, alam na niya yung bagay na ginawa niya. Hindi mo na kailngan ipaalam yung nararamdaman mo at hindi mo na kailangan mag explain bakit ka lalayo. HELLO. Ilang beses mo na ba sinabi yun sa kanya? Ilang beses ka narin nasaktan? Kung talagang mahal ka niya, edi sana hindi na naulit. I know part ng relationship yung masaktan, pero kung kalupet naman ng ginagawa niya, it’s not worth it. Again, you don’t need to say goodbye, kung gusto mo makalimot at mag move on, JUST DO IT. Wag na mag inarte at mag drama. 😉

All you need is courage, discipline and FAITH. Yes, you CAN’T do it alone. Try to pray and talk to Him. Makikita mo, mas mabilis para sayo gawin yung gusto mo gawin kung may faith ka. Go and focus on your school works, mag-aral ka mabuti. Have fun with your friends. EXPLORE! 😉  Kakayanin mo naman yan kung GUSTO mo TALAGA. Pero kung gusto mo padin naman masaktan at umiyak pa ng umiyak at MAGPAKATANGA, edi ituloy mo. Walang pumipigil sayo. 😉  For sure, darating din yung time na mapapagod ka, madedepress ng SOBRA at basag na basag ka na. HAHA. Pag dating ng time na yun, oras na para mag celebrate. ;]

I’m not saying na love expert ako or love guru or whatever term that is. I’m just sharing my thoughts. Lahat ng yan, based on my experience din. Nahirapan din naman ako.Pero now i know, I was SUPER stupid back then. Sobrang daming chances na nasayang. Oh well, at least ngayon, I am proud to say na naka move on na ako at WISE na ako. Haha. I won’t let that happen to me ever again. Sana ikaw din. 😉




DISCLAIMER: I do not own the pictures in this entry in any way. You can visit tumblr for more images, lots of people to follow, lots of inspiring posts. 😉

Where Am I?

You are currently viewing the archives for October, 2010 at she blabs..